DOH, umaasang maisasabatas ang pagiging mandatory ng COVID-19 vaccine

rrrWelcome para sa Department of Health kung magpapasa ang kongreso ng panukala na layong gawing mandatory ang pagbabakuna kontra COVID-19.

Ito ay sa harap pa rin ng mababang bilang ng mga nababakunahan sa ibang rehiyon sa bansa at ang malapit nang ma-expire na mga COVID-19 vaccines.

Sabi ni Health Secretary Francisco Duque III, bagama’t magiging kontrobersiyal ito ay umaasa siyang maiintindihan ng publiko ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.


Kasunod nito, inihayag ni Duque na posibleng magpatupad ng muli ng mga polisiya ang mga lokal na pamahalaan para mapalakas ang pagbabakuna ng booster doses.

Samantala, nanawagan din si Duque sa mga kumakandidato ngayon na isama sa kanilang plataporma ang kahalagahan ng pagbabakuna.

Facebook Comments