Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) ang pagpapahintulot sa mga senior citizens na makalabas ng bahay sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ ay mahihikayat silang magpabakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, kapag pinayagan ang mga senior citizens na lumabas ng kanilang bahay ay tiyak na mas maraming ang mababakunahan.
Pero sinabi ni Vergeire na ang layunin ng pagluluwag ng stay-at-home policy ay mapanatiling maayos ang mental health ng mga tao sa harap ng pandemya.
Mula nitong June 8, aabot na sa 415,540 senior citizens ang fully vaccinated laban sa COVID-19, habang nasa 1.6 million sa kanila ang nakatanggap ng first dose.
Facebook Comments