Mayroong natitirang 1.3 milyon na bata mula sa target na 5.1 million ang kailangang mabakunahan ng Department of Health (DOH) laban sa measles-rubella ngayong buwan.
Ayon kay DOH-Disease Prevention and Control Bureau Head Dr. Beverly Ho, nakapagbakuna na sila ng 3.7 million na bata.
Bukod dito, target din nilang mabakunahan ang nasa 1.2 million na bata laban sa polio.
Ang DOH, katuwang ang Local Government Units (LGUs) ay nagsagawa ng nationwide Measles Rubella – Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization activity mula pa nitong Oktubre 2020.
Ang Phase 1 ay ginawa noong Oct. 26 hanggang Nov. 25, 2020 at ang Phase 2 ay isinasagawa ngayong buwan.
Sakop ng measles inoculation ang mga batang 9 hanggang 59 months old habang 0-59 months old naman para sa rubella vaccine.
Isinasagawa ang measles rubella vaccination drive sa National Capital Region, Central Luzon, CALABARZON, Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas habang ang oral polio vaccination ay sa Central Luzon, CALABARZON, Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas.