Kinontra ng Department of Health (DOH) ang panukalang batas sa Kamara na gawing mandatory ang pagbabakuna sa bansa kontra COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi makatwiran na pairalin ang mandatory vaccination lalo na’t nasa developmental stage pa ang bakuna.
Karapatan din aniya ng isang indibidwal kung tatanggi siya o tatanggap ng bakuna.
Una nang isinulong ni House Committee on Health Vice Chairman Rep. Elpidio Barzaga ang pag-amyenda sa Republic Act 11525 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.
Sa ilalim ng House Bill 9252 na inihain ni Barzaga ay inirerekomenda nitong gawin nang “mandatory” ang pagbabakuna sa bansa laban sa COVID-19.
Facebook Comments