Muling umapela sa publiko ang Department of Health (DOH) na tulungan ang pamahalaan sa kampanya nito kontra COVID-19.
Ayon sa DOH, malaking bagay ang maagang isolation sa mga pasyenteng hinihinalang positibo sila sa COVID.
Sinabi ni Health Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire, mahalaga ang maagang isolation para maprotektahan ang kanilang sarili at kanilang pamilya.
Aniya, mahalagang safety measure ang isolation sa taong mga nagkaroon ng close contact sa mga hinihinalang positibo sa COVID, mga probable case at confirmed cases.
Mahalaga rin aniya ito para maputol ang pagkalat ng virus sa mga barangay at komunidad.
Iginiit ni Usec. Vergeire na ang laban sa COVID-19 ay wala sa mga ospital, wala sa isolation facilities o testing center, sa halip ito aniya ay nagsisimula sa komunidad, mga barangay at sa bawat tahanan.