Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga ospital na dagdagan ang kanilag bed capacity para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga publiko at pribadong ospital ay mayroong responsibilidad na tumulong sa pamahalaan na palawakin ang kapasidad para sa pagtanggap ng mas maraming pasyente.
Naghahanap na ang DOH ng paraan kung paano matutulungan ang mga ospital.
Sinabi n Philippine Hospital Association (PHA) President Dr. Jaime Almora, ang limitadong hospital beds ay resulta ng kawalan ng manpower services sa mga ospital.
Marami na aniyang healthcare workers ang napapagod at nangangailangan ng kapalitan.
Sa datos ng DOH, aabot na sa 1,154 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19.
Facebook Comments