DOH, umapela sa mga taga-Bicol na sundin ang health protocols sa harap ng ‘pandemic fatigue’

Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na panatilihing sundin ang health protocols para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Ayon kay DOH-Bicol Assistant Director Ferchito Avelino, ang pagtaas ng kaso sa Bicol region ay resulta ng “pandemic fatigue.”

Aniya, maraming tao ang napapagod sa pagsunod sa minimum public health standards.


Bagamat nauunawaan nila ang mga tao, kailangan pa rin nilang intindihin ang kasalukuyang sitwasyon.

Sa depinisyon ng World Health Organization (WHO), ang pandemic fatigue ay ang pagkawala ng gana sa pagsunod sa mga rekomendasyong magpoprotekta sa kanila mula sa virus.

Hinikayat ng DOH ang mga ospital na itaas ang kanilang bed capacities para sa COVID-19 patients.

Facebook Comments