Umapela ang Department of Health (DOH) sa pamilya ng batang nakalunok ng watusi na bumalik sa ospital.
Ito ay makaraang hindi na nila matawagan ang pamilya ng pasyente.
Babala ng DOH, dapat na mabigyan ng tamang atensyong medical ang biktima lalo’t hindi agad lumalabas ang sintomas ng watusi poisoning.
Maaari rin daw itong magresulta ng kamatayan.
Tumanggi naman ang DOH na isapubliko ang detalye ng unang kaso ng firecracker ingestion upang hindi ito magdulot ng stigma sa pasyente at kanyang pamilya.
Hindi rin nagbigay ng detalye ang ahensya sa kung saang ospital ito dinala.
Facebook Comments