DOH, umapela sa publiko na gumamit ng alternatibong paraan sa pagdiriwang ng holiday season

Umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na gumamit na lamang ng mga alternatibong paraan sa pagdiriwang ng holiday season

Ito ay bilang bahagi ng kampanya ng kagawaran para sa ligtas na Kapaskuhan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa halip na mga paputok, maaaring gumamit ang publiko ng mga bagay na makagagawa ng ingay o manood na lamang ng community fireworks display


Hinimok din ng DOH ang publiko na patuloy na magsuot ng face mask at tiyakin na sapat ang makukuhang air ventilation habang nagse-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.

Nanawagan din ang ahensiya sa lahat na himukin ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan na nasa edad 12 at pataas na magpabakuna na kontra COVID-19.

Pinayuhan din ang mga Pilipino na kumain at uminom ng mga alcoholic beverages ng katamtaman lamang.

Facebook Comments