DOH Undersecretary Eric Tayag, inanunsyo ang pagreretiro sa ahensya

Nagpaalam na sa Department of Health (DOH) ang kasalukuyang spokesperson nito na si Undersecretary Eric Tayag.

Ito’y dahil sumapit na siya sa edad na 65-anyos na mandatory retirement bilang isang empleyado ng pamahalaan.

Sa flag raising ceremony sa DOH, inanunsyo ni Usec. Tayag ang kanyang pagreretiro sa serbisyo makalipas ang 35 taon na pagtatrabaho sa gobyerno.


Papalitan siya ni Asec. Ariel Valencia nilang bagong tagapagsalita ng DOH.

Matatandaan na si Tayag ay nakilala bilang dancing undersecretary bilang paraan niya ng pagsusulong ng healthy lifestyle at mga programa ng DOH.

Pinasalamatan at pinuri naman ni Health Sec. Teodoro Herbosa ang kontribusyon ni Usec. Tayag sa mahabang panahon na ginugol nito sa serbisyo.

Facebook Comments