DOH, wala nang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Visayas; 4 na probinsya, COVID-free na!

Wala nang naitala ang Department of Health (DOH) na bagong kaso ng COVID-19 sa Visayas.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nag-plateau na ang trend ng COVID-19 sa Kabisayaan.

Bukod dito, nababawasan na rin ang severe at critical cases ng COVID-19 sa bansa.


Samantala, apat sa anim na probinsya sa Eastern Visayas ang idineklara nang COVID-free.

Ayon sa DOH, ilang linggo nang walang kaso ng virus sa Eastern Samar, Northern Samar, Samar at Biliran.

Habang apat na lang ang aktibong kaso ng sakit sa Leyte at siyam a Southern Leyte.

Habang sa pitong lungsod sa rehiyon, ang Tacloban na lang ang mayroong COVID-19 cases pero dalawa na lang.

Sa kabila ng pagbaba ng mga kaso ay patuloy ang panawagan ng DOH sa mga taga-Visayas na sumunod sa minimum public health protocols at magpabakuna.

Facebook Comments