DOH, wala ng ipadadala sa Senado sa nagpapatuloy na pagdinig sa kanilang kontrata sa Pharmally

Walang opisyal na ipapadala ang Department of Health (DOH) sa pagpapatuloy ng pagdinig bukas ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kontrata ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceuticals Corp.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, hindi siya magtatalaga ng kinatawan na dadalo sa pagdinig.

Bahagi aniya ito ng pagtalima nila sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na huwag dumalo sa pagdinig.


Aniya, dadalo lamang sila sa pagdinig kapag binawi ng pangulo ang kautusan nito sa mga opisyal ng gobyerno.

Nilinaw rin ni Duque na sapat na ang mga naging statement nila sa mga naunang Senate hearings.

Facebook Comments