Hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na guidelines o patakaran ang Department of Health (DOH) para sa pagsasagawa ng mass testing ng mga Local Government Units (LGU).
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, ang mga LGUs katulad sa Valenzuela City ay patuloy na nakaantabay sa doh ng mga dapat gawin at tamang procedures kaugnay sa pagsasagawa ng mass testing.
Pahayag ni Gatchalian, kasabay ng signing ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Detoxicare Molecular Diagnostic Laboratory at Valenzuela City Government na nagsimula na ng mass testing nitong Sabado o April 11.
Diin ni Gatchalian, mahalaga ang mass testing ng mga LGUs upang matukoy agad ang mga positibo sa COVID-19 at maibukod sila para hindi na makahawa.
Paliwanag ni Gatchalian, sa ganitong paraan ay maari ng unti unting alisin ang lockdown para magbukas na muli ang ekonomiya habang tinutukan ang mga covid patient at tinitiyak na hindi na kakalat pa ang virus.