DOH, wala pang balak magpadala ng medical frontliners sa Cebu

Pinaigting pa ng Department of Health (DOH) ang pakikipag-ugnayan sa Cebu Local Government Unit (LGU) sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.

Sa kabila nito, inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na wala pang pangangailangan para magpadala ang DOH sa Cebu ng mga doktor at nurses mula sa Maynila.

Aniya, sapat naman ang kakayahan ng DOH-Region 7 sa paghawak ng COVID cases sa Cebu.


Samantala, pinabulaanan ng Deparment of Health ang kumalat sa social media na namamahagi sila ng libreng DOH testing machines, face masks, at ventilators sa mga negosyante.

Nilinaw rin ng DOH na pinag-aaralan na ng COVID-19 Laboratory Expert Panel (CLEP) ang pooled testing para ma-maximize ang kapasidad ng mga laboratory.

Sa ngayon, sinasalang muna sa ethics review bago simulan ang pilot study ng pooled testing sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Facebook Comments