DOH, wala pang guidelines para sa pinalawig na coverage ng COVID-19 second booster shot

Wala pang nakatakdang guidelines o panuntunan ang Department of Health (DOH) para sa pinalawig na coverage ng ikalawang COVID-19 booster shot.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay nakikipag-ugnayan pa sila sa Food and Drug Administration (FDA) upang mapabilis ang ebalwasyon at pag-apruba sa ikalawang booster para sa ibang sektor.

Kabilang dito ang mga nasa edad 50 hanggang 59, at mga indibidwal na may comorbidities.


Matatandaang nauna nang inaprubahan ng DOH ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na bigyan ng unang booster dose ang mga nasa edad 12 hanggang 17.

Samantala, sa kasalukuyan, ang ikalawang booster dose ay itinuturok lamang sa mga healthcare workers, mga nasa edad 60 pataas, at immunocompromised individuals.

Facebook Comments