DOH, wala pang mailalabas na clinical study tungkol sa paggamit ng medical marijuana

Manila, Philippines – Wala pa ring mailalabas na clinical study ang Department of Health (DOH) tungkol sa medical marijuana.

Ito ay kasunod ng pag-amin ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ginamit niya ito bilang alternative medicine noon.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo – hindi pa rin kasi ito mapag-aralan ng husto ng pamahalaan.


Paliwanag ni Domingo – hindi maaring gastusan ng gobyerno ang isang gamot na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

Pero sa ngayon, may ginagawa nang pag-aaral ang ibang ahensya kaugnay ng medical marijuana.

Facebook Comments