DOH, wala pang naitalang kaso ng COVID-19 sa evacuation sites

Wala pang naitatala ang Department of Health (DOH) na evacuees na nagpositibo sa COVID-19 sa iba’t ibang evacuation sites.

Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire, patuloy naman nilang mino-monitor ang 55,921 na mga pamilya o 223,378 na indibidwal na nananatili sa higit isang libong evacuation centers sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Ulysses.

Kinumpirma naman ni Vergeire na aabot sa 30 health facilities ang naapektuhan ng Bagyong Ulysses, partikular sa Regions 2, 3, 4-A at Cordillera Administrative Region o CAR.


Ayon kay Vergeire, tuloy-tuloy ang pagde-deploy ng DOH ng Health Emergency and Response Teams para magsagawa ng surveillance, food, medical, water and hygiene promotion at mental health and psychosocial support.

Facebook Comments