DOH, wala pang naitatalang kaso ng monkeypox ngayong taon

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang dagdag na kaso ng monkeypox sa bansa ngayong taon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Health Assistant Secretary Albert Domingo, nananatili sa siyam ang bilang ng monkeypox sa bansa.

Ang huling mga kaso rin ng monkeypox na natukoy ay noon pang December 2023.


Paglilinaw pa ni Domingo, ang lahat ng siyam na tinamaan sa bansa ay matagal nang fully recovered.

Wala rin daw dagdag na proseso sa Bureau of Quarantine maliban sa dagdag na tanong at paalala sa mga biyahero na nanggagaling at papunta ng Africa.

Paalala ni Domingo, naililipat ang Mpox virus sa pamamagitan ng close physical contact at may incubation period ito na hanggang 21 days.

Wala rin aniyang gamot kontra monkeypox pero kusa itong gumagaling.

Facebook Comments