Wala pang naitatalang local transmission sa bansa ng Delta variant ng COVID-19 maging ng India variant at Gamma variant o Brazilian variant.
Ito ang kinumpirma nina Dr. Alethea de Guzman, Director ng Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau at Dr. Eva Marie dela Paz ng UP National Institute of Health (UP-NIH).
Anila, ito ay base na rin sa resulta ng genome sequencing ng UP NIH at ng Philippine Genome Center.
Sa kabila nito, sinabi ni Dr. De Guzman na dapat pa ring paghandaan at maging maingat sa presensya ng nasabing Delta at Gamma variants.
Sa ngayon ay nananatili sa 17 ang tinamaan ng Delta variant ng COVID-19 na pawang mga biyahero mula sa ibang bansa na pumasok ng Pilipinas.
Facebook Comments