DOH, wala pang naiuulat na difficulties sa paggamit ng Pfizer vaccines

Nagpapatuloy ang Department of Health (DOH) sa monitoring ng paggamit ng Pfizer-BioNTech vaccine sa COVID-19 immunization program.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, wala pa silang natatanggap na anumang report mula sa mga local government units (LGUs) sa mga posibleng hamon sa paggamit ng Pfizer vaccines.

Nabatid na dumating sa bansa noong Lune sang nasa 193,050 doses ng COVID-19 vaccines mula sa Pfizer-BioNTech noong May 10.


Ito na ang ika-apat na vaccine brand na dumating sa Pilipinas.

Ito rin ang kauna-unahang shipment mula sa Pfizer sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Ang mga bakuna ay ipinadala sa Metro Manila, Cebu, at Davao kung saan mayroong storage facilities na kayang abutin ang temperature requirements.

Facebook Comments