DOH, wala pang planong magdeklara ng outbreak sa kumakalat na hand, foot and mouth disease sa San Pascual, Batangas

Wala pang nakikitang dahilan ang Department of Health (DOH) para magdeklara ng outbreak level kaugnay ng pagkalat ng hand, foot and mouth disease sa San Pascual, Batangas.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, patuloy ang kanilang mga health workers sa DOH-Region 4A sa pagkolekta ng iba pang mga samples.

Bukod ito sa nauna na nilang naipadala sa RITM o Research Institute for Tropical Medicine para isailalim sa pagsusuri.


Mahigit 100 mga bata sa San Pascual, Batangas ang nagkaroon ng mga pantal at singaw na sintomas ng nasabing sakit.

Karamihan sa mga batang nagkasakit ay mga mag-aaral ng isang Day Care Center pero sinusuri na rin ngayon ng DOH-Calabarzon ang 11 barangay sa nasabing bayan.

Facebook Comments