DOH, wala pang rekomendasyon sa pagbabakuna sa mga kabataan

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pa silang inilalabas na rekomendasyon ukol sa pagbabakuna sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 kontra COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy pang pinag-aaralan ng mga eksperto ang pagbabakuna sa mga bata.

Bukod dito, nananatiling limitado ang suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa.


Paliwanag pa ni Vergeire, bagama’t maaaring mahawa ng sakit ang mga bata, mas vulnerable sa severe infection at pagkamatay ang mga nakatatanda kaya mainam na sila ang iprayoridad sa pagbabakuna.

Una nang sinabi ni DOH Usec. Myrna Cabotaje sa interview ng RMN Manila na pinaplantsa pa ng mga eksperto ang mga operational guidelines para masigurong magiging ligtas ang pagbabakuna sa mga kabataan.

Facebook Comments