Walang babaguhing patakaran o guidelines ang Department of Health (DOH) sa holiday season.
Gayunman, sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na bagama’t pinaluwag na ang pagsuot ng face mask, dapat alam ng lahat kung ang panganib ng kanilang pagtungo sa mga pagtitipon ngayong Pasko.
Aniya, high risk sa hawaan ang mga pagtitipon kaya responsIbilidad ng bawat isa ang kanilang kaligtasan.
Kinumpirma naman ng DOH na nagpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa Luzon.
Bumababa na rin aniya ang kaso sa Mindanao habang sa Visayas ay unti-unti na ring bumababa ang bilang ng hawaan ng infection.
Facebook Comments