DOH, walang naitalang nasawi mula sa COVID-19 kahapon

Walang naitala ang Department of Health (DOH) na bagong nasawi sa COVID-19 kahapon.

Batay sa DOH, nanatili sa 38,828 ang bilang ng COVID related deaths.

Nasa 12,134 ang nadagdag na mga gumaling sa sakit na may kauuan ng 2,613,070 recoveries.


Aabot naman sa 9,055 ang mga bagong nag-positibo sa virus na pinakamababang bilang na naitala sa nakalipas na dalawang buwan.

Sa kabuuan, nasa 2,613,070 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Paliwanag ng DOH, ang mababang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 ay dahil sa mababang laboratory output.

Pitong laboratory kasi ang hindi nakapag-sumite ng data sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments