Walang nakikitang pangangailangan na ilagay sa mas mahigpit na community quarantine status ang Metro Manila ngayong holiday season sa kabila ng bahagyang pagtaas ng COVID-19 case.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, bagama’t may naitalang bahagyang pagtaas, nananatili namang mababa ang critical care utilization rate sa National Capital Region.
Una nang sinabi ng OCTA Research na asahan na ang pagtaas ng COVID-19 case ngayong Kapaskuhan dahil sa muling pagbubukas ng konomiya kaya dapat na magp2atupad ng mas mahigpit na community quarantine.
Maliban dito, tumaas din ang reproduction number ng bansa sa 0.88 pero nananatili itong mas mababa sa critical level 1 para sa period na November 22 hanggang 28.
Pero kapag tumaas ito sa 1, ibig sabihin ay kumakalat ang virus.