DOH, walang nakitang pagtaas sa kaso ng COVID-19 simula nang ipatupad ang Alert Level 1 sa ilang lugar sa bansa

Walang nakitang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) simula nang ibaba sa Alert Level 1 Metro Manila at ang ilang lugar sa bansa.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, mahigpit na mino-monitor ng pamahalaan ang mobility o paggalaw ng publiko gayundin ang patuloy na bakunahan at pagpapatupad sa minimum public health standards.

Matatandaang nauna nang sinabi ng DOH na nanatili sa “plateau” ang COVID-19 hospitalization rate sa Metro Manila at bumbaba na rin ang COVID related calls na natatanggap ng the One Hospital Command Center (OHCC).


Gayunpaman ay sinabi ni DOH Sec. Francisco Duque III na sa ngayon ay hindi pa maaaring isailalim sa Alert Level 1 ang buong bansa upang hindi masayang ang mga inisyatibo at nagawa ng ahensya para mapababa ang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments