Wala pang natatanggap na report ang Department of Health (DOH) kung may nakapasok sa bansa na panibagong variant ng COVID-19.
Sa kabila nito, tiniyak ng DOH na nasa close monitoring sila para ma-detect kung may nakapasok ng XBB variant ng Coronavirus.
Ang XBB variant ay pinagsamang BA.2.10.1 sub lineage at BA.2.75 sub lineage kung saan ito ay unang na-detect sa Singapore at Bangladesh.
Base sa preliminaries studies, ang sub lineage ay nagpapakita ng mas mataas na immune evasion ability kumpara sa BA.5.
Sa ngayon, nagsagawa na ang DOH ng surveillance at monitoring sa bagong variant na ito ng SARS-CoV-2 variant para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Muli namang hinimok ng DOH ang publiko na magpabakuna laban COVID-19.
Facebook Comments