DOH, ‘willing’ na tumugon kay Senator Manny Pacquiao kaugnay sa alegasyong korapsyon sa ahensya

Handa ang Department of Health (DOH) na magpasa ng mga kinakailangang budget utilization report kay Senator Manny Pacquiao kasunod ng nais nitong paimbestigahan ang ahensiya.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, anumang araw ay ready na ang mga ulat na kaniyang inihanda at mananatiling transparent at accountable ang kanilang ahensya rito.

Ang DOH ay isa sa mga government agencies na nais paimbestigahan ni Pacquiao upang mapatunayan ang mga alegasyon nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong korapsyon sa ahensiya magmula nang mag-umpisa ang pandemya.


Pag-amin pa ni Duque, bagama’t nasaktan sa mga sinabi ni Pacquiao ay tiniyak naman nito ang pakikipagtulungan sa senador.

Facebook Comments