DOJ: Abogado ng mga umano’y gunmen sa Degamo murder case, hindi umano sineseryoso ang kaso

Tila hindi umano seryoso at dini-delay o pinatatagal ng mga abogado ng mga sangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa ang kaso.

Ito ay matapos magsumite ang mga ito ng photocopy ng affidavit of recantation.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano, hindi naman tinatanggap ang mga photocopy na dokumento tulad ng isinumiteng affidavit of recantation o pagbawi.


Aniya, parang hindi ito siniseryoso ng mga abogado ng respondents, taliwas sa pagnanais ng DOJ na maihain na ang kaso sa Korte Suprema.

Sa ngayon, dalawang respondents pa lamang ang nagpasa ng orihinal na kopya ng affidavit of recantation.

Ito ay sina Winrich Isturis at Joric Labrador.

Samantala, umaasa naman ang DOJ na isusumite na kaagad ang mga orihinal na kopya ng mga affidavit.

Facebook Comments