Manila, Philippines – Aminado si Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi maaring obligahin ng Pilipinas ang China na magkaroon ng isang third party investigator kung ayaw nito.
Kaugnay ito ng nangyaring pagbangga ng Chinese vessel sa F/B Gem-Ver 1 sa Recto Bank.
Naniniwala rin si Guevarra na ang sinasabing kasunduan sa pagitan nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi JinPing sa pangingisda sa karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng bansa ay isang mutual understanding sa pagitan ng dalawang heads of state.
Sinabi ni Secretary Guevarra na sa kanyang paniwala, hindi ito isang kasunduan gaya ng mga pinapasok na bilateral agreement ng Pilipinas sa pamahalaang China o sa iba pang mga bansa.
Ipinauubaya naman ng kalihim kay Pangulong Duterte ang pagsasara sa nasabing isyu