DOJ, aminadong marami pa ang dapat gawin sa pagpapaigting ng kampaniya kontra human trafficking

Manila, Philippines – Aminado ang Department of Justice (DOJ) na marami pa ang kailangang gawin para mapaigting ang kampaniya ng pamahalaan kontra human trafficking.

Ito’y bagama’t napanatili sa tier 1 ang ranking ng Pilipinas sa kampaniya nito kontra human trafficking ng US Trafficking in Persons Report.

Nangangahulugan lamang ang nasabing ranking na natutugunan ng pamahalaan ang problema sa human trafficking gayundin ay nakatatalima ito sa minimum requirement na itinakda ng US Trafficking Victims Prevention Act of 2000.


Batay sa tala ng IACAT O Inter-Agency Council Against Trafficking, aabot sa 1,567 ang mga nabiktima ng human trafficking ang nasagip.

Habang nasa 44 namang human trafficker ang naaresto at nahatulang guilty mula hulyo nuong isang taon hanggang nitong nakalipas na buwan ng Hunyo.

Facebook Comments