Manila, Philippines – Inamin mismo ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na libu-libong empleyado ang natutulungan ng Tagum Agricultural Development Company o TADECO.
Sa joint investigation ng House Committees on Justice at Good Government and Public Accountability, sinabi ni Aguirre na dahil sa operasyon ng TADECO ay nagbebenepisyo ang maraming manggagawa at kani-kanilang pamilya.
Bukod dito, ani Aguirre, nagbabayad ng multi-milyong buwis ang TADECO sa gobyerno.
Sa panig naman ni COOP-NATCO PL Rep. Anthony Bravo, hindi lamang sa mga preso may alok na trabaho ang TADECO kundi sa iba pang mga manggagawa.
Sa katunayan, sinabi ni TADECO President Anthony Valoria, malaki ang natatanggap ng kanilang mga tauhan na sahod at benepisyo gaya ng medical coverages, libreng edukasyon sa mga anak at iba pa, taliwas sa mga lumabas na balitang mali ang trato o nang-aabuso ang kumpanya.
Inimbitahan naman ni Valoria ang mga kongresistang chairmen at miyembro ng joint panel na bumisita sa plantasyon ng saging at mga pasilidad ng TADECO sa Tagum City upang personal na makita ang sitwasyon doon.
DZXL558