DOJ at BI, makikipagpulong sa mga opisyal ng South Korean Embassy kaugnay ng travel ban ng Pilipinas

Nakatakdang makipagpulong ang Department of Justice o DOJ at Bureau of Immigation o BI sa mga opisyal ng South Korean Embassy kaugnay sa idineklarang travel ban ng Pilipinas sa South Korea dahil sa banta ng Corona Virus Disease o COVID-19.

Ayon kay Justice Usec. Markk Perete, sa February 28 ang meeting ng DOJ at BI kasama ang mga opisyal ng South Korean Embassy upang mabatid kung papaano epektibong maipatutupad ang travel ban.

Kabilang sa mga maaaring mapag-usapan ay ang pagtukoy sa mga biyahero mula sa mga lugar na sakop ng banat maglatag ng coordinating mechanisms upang maging maayos ang pagpapatupad ng travel ban.


Kinumpirma rin Perete na nag-alok na ng assistance ang Consul General para sa maayos ang pagpapairal ng travel ban.

Ang BI naman ay inatasan na rin na i-monitor ng mabuti ang pagpapatupad ng mga Immigration officer sa travel ban.

Batay sa rekumendasyon ng Inter-Agency Task Force o IATF, sakop ng travel ban ang North Gyeonsang Province.

Ang biyahe naman patungong South Korea ay ipagbabawal na rin, pero may exceptions o hindi sakop ng ban ang mga OFW, mga estudyante at permanent residents na pawang papayagang makabiyahe.

Facebook Comments