DOJ at Court Martial, inatasan na ituloy ang mga kasong kriminal at administratibo laban kay Sen. Trillanes

175

Manila, Philippines – Ni-revoke o binawi na ng pamahalaan ang amnesty na ibinigay kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tumatayong caretaker o acting president habang nasa Jordan at Israel si Pangulong Rodrigo Duterte.

May kaugnayan ito sa nakabinbing kasong kudeta at mutiny o sedition na kinakaharap ni Trillanes simula noong 2010.

Base sa proclamation number 572 ay pinapawalang bisa na ang amnesty para sa senador kung saan ang kaso nito ay non-bailable offense o walang katapat na piyansa.

Sinabi ni Guevarra na dahil wala ng amnesty si Trillanes, maaari na itong arestuhin ano mang oras.

Facebook Comments