DOJ at DA, sinermonan ni Senator Villar dahil sa kabiguang masawata ang smuggling ng bawang

Manila, Philippines – Sinabon ni Committee on Agriculture Chairperson Senator Cynthia Villar ang mga opisyal ng Department of Justice at Department of Agriculture na humarap sa pagdinig ukol sa pagtaas ng presyo ng bawang dahil sa smuggling nito.

Nabuwisit si Senator Villar sa DOJ dahil wala pa rin itong nasasampahan ng kaso kahit noong 2013 ay natukoy na nito ang mga imports na sangkot sa smuggling at kartel ng bawang.

Hindi katanggap-tanggap para kay Villar ang report sa pagdinig ni DOJ Assistant Secretary Georgre Ortha II na nagsasapa rin sila ng imbestigasyon.


Paliwanag pa ni Ortha, nagkaroon ng report ang national prosecution service ng DOJ, na isinumite sa Office of Competition, na ipinasa sa National Bureau of investigation at ibinalik sa national prosecution service kung saan ito nabinbin.

Nasabon naman ng sendora si Department of Agriculture Secretary Manny Pinol at ang Bureau of Plant and Industry dahil nananatiling may import permit pa rin ang nabanggit na mga importer na umanoy mga smugglers at sangkot sa kartel kaya tumaas ang presyo ng bawang.

Lalo pang nagalit si Villar nang sabihin ni Pinol na wala siyang listahan ng nagka-cartel at nagsasagawa ng smuggling.

Naniniwala si Villar na kung hindi tatanga-tanga ay posibleng kasabwat ang mga taga-DA kaya nakakasulot ang mga tiwaling importers ng bawang.

Diin naman ni Pinol, kumikilos sila para mapataas ang ani ng bawang.

Pati ang State Colleges ang Universities ay hindi rin nakaligtas sa pagkatisgo ni Senator Villar.

Punto ng seandora, may mga SUCs tulad ng Mariano Marcos University.
Na nabigyan ng 5-10 milyong pisong pondo para magsagawa ng pagsasaliksik at mapaunlad ang uri ng bawang na tumutubo sa bansa layuning madaig ang kalidad ng imported na bawang at mapataas ang ani.

Tanong ni Villar, bakit hindi pa naituturo sa mga magsasaka ang resultag kanilang pagsasaliksik.

Giit ni Villar, dapat ay noon pa ay nagtayo na ang mga kinauukulang SUCs ng extension schools para turuan ng makabagong teknolohiya ang mga magsasaka.

Sabi naman ng SUCs hindi sila nagpabaya at sa katunayan ay nag-increase ng 65 percent ang ani sa bawang ng Ilocos Norte dahil sa mga baong seedlings na ibinigay nila sa mga magsagawa na produkto ng kanilang pananaliksik.

Facebook Comments