Magpupulong ang Department of Justice (DOJ) kasama ang National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI) at iba pang ahensiya ng pamahalaam para pag-usapan ang pagpapatupad ng POGO ban na iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, kailangang magkakatugma ang desisyon at hakbang ng gobyerno sa naturang isyu.
Ito’y upang hindi madawit ang Pilipinas sa mga kaakibat na isyu sa POGO ban.
Kasama rito ang pagsasauli ng mga POGO ng pera ng mga kliyente nila partikular ang mga nagsusugal.
Ipinababawi rin ng DOJ ang pahayag ng Immigration hinggil sa 60-araw na palugit dahil sa hindi puwedeng may kanya-kanyang galaw ang mga ahensiya ng gobyerno.
Sinabi pa ni Remulla na kailangang maayos ang pagpapatupad ng POGO ban kasama na ang pagpapaalis sa bansa ng mga dayuhang empleyado nito.