DOJ at iba pang ahensiya ng pamahalaan, nakikipag-ugnayan sa Timor-Leste para sa ligtas na pagpapauwi kay dating Cong. Teves

Tumulak na patungong Timor-Leste ang mga representante ng Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) upang makipag-ugnayan sa pagpapabalik sa Pilipinas si dating Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves Jr.

Unang ikinatuwa ng DOJ ang naging desisyon ng gobyerno Timor-Leste na pauwiin sa ating bansa si Teves na nahaharap sa kasong murder at itinuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Nabatid na naglabas ang Ministry of the Interior ng Timor-Leste ang deportation documents laban kay Teves kung saan hangad ng DOJ na makabalik nang ligtas at nasa tamang proseso ang repatriation ng dating kongresista.

Sa pahayag pa ng Presidency of the Council of Ministers of Timor-Leste na itinuturing si Teves na threat sa national security at public order kung saan nararapat nitong harapin ang mga kaso.

Bukod pa ito sa walang legal authorization si Teves para manatili sa Timor-Leste.

Kabilang pa sa naging administrative deportation decision ay ang pagpataw kay Teves ng 10-year ban sa pagbalik sa Timor-Leste base sa ilalim ng domestic laws on migration and asylum ng nasabing bansa.

Facebook Comments