DOJ at IBP, lumagda sa kasunduan hinggil sa pagtulong sa mga walang kakayahang kumuha ng abogado

Lumagda sa kasunduan ang Department of Justice (DOJ) at ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na naglalayong makatulong sa may kinahaharap na kaso na hindi na kayang tulungan ng Public Attorney’s Office (PAO).

Partikular ang pagbibigay ng libreng legal service sa publiko lalo na ang napapabayaang sektor at mga mahihirap kung saan ang IBP ay magtatatag ng libreng legal aid program upang matulungan ang mga indigent at ang marginalized sector na idudulog ng DOJ Action Center.

Nakasaad sa Memorandum of Agreement (MOA) na palalakasin ang kooperasyon sa pagitan ng DOJAC at IBP sa implementasyon ng kanilang mandato na magkaloob ng legal service at tulong sa publiko, lalo na ang mga mahihirap na mamamayan na hindi kuwalipikado sa serbisyo ng PAO.


Sa panig ng IBP ay tatanggapin nito ang mga kasong idudulog ng DOJAC at pag-aaralan ito batay sa kakayanan at merito ng kaso.

Sa sandali namang hindi nakapasa sa pamantayan ng IBP ang idinulog na kliyente ng DOJAC, ang IBP na ang hahanap ng abogado o grupo ng mga abogado na hahawak sa kaso ng diskuwalipikadong kliyente.

Facebook Comments