DOJ at NBI, paiigtingin ang kampanya laban sa online sex exploitation

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na paiigtingin nila ang mga hakbang at palalakasin ang legal framework sa kampanya ng pamahalaan laban sa human trafficking.

Nabatid na nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa DOJ, Philippine National Police (PNP) at sa Department of Education (DepEd) na imbestigahan ang mga ulat na may ilang estudyante ang nagbebenta ng kanilang mga hubad na larawan para kumita ng pera para sa mayroong panggastos sa kanilang pag-aaral.

Ipinanunukala ni Gatchalian ang Senate Bill No. 1794 na binibigyang pahintulot ang mga regional courts, na bigyang awtorisasyon ang mga lawn enforcers na magsagawa ng surveillance at i-record ang mga komunikasyon at impormasyon ng mga taong sangkot sa trafficking.


Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, maliban sa Office of Cybercrime ng kagawaran ay kumikilos na rin ang Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa pinaigting na kampanya para mahuli ang mga gumagawa ng ganitong illegal online activities.

Sinabi ni Guevarra na suportado nila ang pagsasabatas ng panukala ni Sen. Gatchalian na magpapalakas ng kampanya ng gobyerno laban sa human trafficking sa cyberspace, partikular ang online sexual exploitation ng mga menor de edad.

Sa datos ng Office of Cybercrime ng DOJ, aabot sa 202,605 incidents ng child exploitation online ang naitala mula May 1 hanggang 24 noong nakaraang taon.

Facebook Comments