DOJ at UNODC, mas palalakasin pa ang mga hakbang laban sa cybercrime

Makipag-uugnayan ang Department of Justice (DOJ) Office of Cybercrime sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) para palakasin ang pagpapatupad ng batas laban sa cybercrime sa Pilipinas.

Plano nilang palawakin ang bilang ng digital forensic experts at sanayin ang mga cybercrime investigators at prosecutors.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, patuloy na dumarami ang cybercrimes sa bansa kaya kailangang palakasin ang hakbang laban dito.


Upang talakayin ang mga detalye ng nasabing pakipagtutulungan, pamumunuan ni Remulla ang isang maliit na delegasyon ng DOJ patungo sa headquarters ng UNODC sa Vienna, Austria.

Makipagpupulong si Remulla kay UNODC Executive Director Ghada Fathi Waly saka bibisitahin ang crime laboratory nito.

Target naman ng DOJ at UNODC na lumagda ng kasunduan para sa iba’t ibang programang panghustisya, kabilang ang reporma sa bilangguan at forensics.

Facebook Comments