DOJ, bineberipika na ang lalaking nagbanta ng rape sa anak ni Sharon Cuneta

Bineberipika na ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakakilanlan ng taong nagbanta ng rape kay Frankie Pangilinan, anak ng aktres na si Sharon Cuneta, kasunod ng matapang na paninindigan nito laban sa victim-blaming.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nakipag-ugnayan sa kanya ang aktres at desidido itong maghain ng criminal complaint laban sa nasabing netizen.

Pinayuhan naman ni Guevarra si Cuneta na kailangan munang makumpirma ang pagkakakilanlan ng tao at ang lokasyon nito bago makapaghain ng reklamo.


Sa kanyang post sa social media, ipinagtanggol ni ‘Ate Shawie’ ang kanyang anak sa isang nagngangalang ‘Sonny Alcos’ na sinabing kapag nakita niya si Frankie ay gagahasain niya ito.

Nangako ang aktres na gagamitin ang lahat ng hakbang para mapanagot ang nasabing netizen.

Facebook Comments