DOJ, bubuo ng tracker team na tutugis sa mga suspek sa ‘missing sabungeros’

Bubuo ang Department of Justice (DOJ) ng tracker team para hanapin ang mga suspek na may kinalaman sa pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Arena noong Enero ng nakaraang taon.

Ito ang sinabi ni DOJ Secretary Boying Remulla matapos ang ginawang pakikipagpulong sa mga pamilya ng ‘missing sabungeros.’

Pebrero pa nang maglabas ang korte ng arrest warrant laban kina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion, at Roberto Matillano Jr. para sa kasong kidnapping at serious illegal detention.


Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumulutang ang mga suspek.

Nag-alok na rin ang DOJ ng anim na milyong pisong pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa kanilang lokasyon.

Facebook Comments