Manila, Philippines – Kumpiyansa Si Justice Sec. Vitaliano Aguirre na matibay ang testimonya ng lumutang na testigong si March Anthony Ventura kaugnay ng Horacio Castillo III hazing case.
Ayon kay Aguirre, kung kakailanganin man ng karagdagang testigo sa kaso ay maaring isa na lang para sumuporta sa pahayag ni Ventura.
Gayunman ,kung pagbabasehan anya ang pahayag ni Ventura ay malinaw na malinaw ang naging pagdedetalye nito sa buong pangyayari sa hazing rites kay Atio.
Kasama sa mga ikinanta ni Ventura sa DOJ ang pangalan ng mga present sa initiation rites kay Atio.
Kahapon,lumagda na si Ventura sa Memorandum of Agreement para sa pormal nitong pagtanggap ng proteksyon mula sa Witness Protection Program ng DOJ.
Facebook Comments