DOJ, bukas sa pagbibigay ng proteksyon sa pamilya ng mag-inang napatay ng pulis sa Tarlac

Handa ang Department of Justice (DOJ) na magbigay ng proteksyon sa mga kamag-anak ng mag-inang pinagbabaril at pinatay ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sa ngayon, wala pa namang pasabi mula sa pamilya ng mga biktimang sina Sonya at Frank Gregorio na nais nilang magpasailalim sa proteksyon ng DOJ.

Sinabi ng kalihim na sinomang testigo ay maaari namang mag-apply sa DOJ para sa kanilang proteksyon kung talagang kinakailangan.


Tiniyak naman ni Sec. Guevarra na agad nilang pag-aaralan ang magiging aplikasyon ng mga testigo mula sa pamilya ng mga biktima sa sandaling magkaroon na ito ng pormal na aplikasyon.

Sinabi ng kalihim na voluntary basis pa rin ang saklaw ng Witness Protection Program (WPP) ng DOJ kaya sino mang testigo na nagnanais ng proteksyon mula sa WPP ay kailangan pa ring magsumite ng aplikasyon at approval ng DOJ sa ilalim ng WPP law.

Facebook Comments