DOJ, bukas sa posibleng pagsasailalim sa Witness Protection Program sa pamilya ni Kian Lloyd delos Santos

Manila, Philippines – Bukas ang Dept. of Justice sa posibleng pagsasailalim sa Witness Protection Program ,sa pamilya ni Kian Loyd Delos Santos , ang Grade 11 na estudyanteng napatay sa anti-drug operations sa Caloocan.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, iko-konsidera nila ang pagsasailalim sa programa sa pamilya Delos Santos sakaling mag-apply ang mga ito sa WPP.

Sa ilalim ng Witness Protection Program, ang isang testigo ay ilalagay sa safehouse, pagkakalooban ng security, allowance at iba pang mga benepisyo.


Una na ring inatasan ni Aguirre ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng parallel investigation sa kaso ng pagkamatay ni Kian.

Facebook Comments