Bukas ang Deprtment of Justice (DOJ) sa posibleng pagsilip sa kontrata ng Dept of Transportation at AF Payments Inc. sa MRT/LRT Beep Card.
Sa harap ito ng sinasabing mga probisyon sa nasabing kontrata kung saan dehado ang gobyerno.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, agad silang magsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing isyu oras na pormal na hilingin ng Department of Transportation o kayay ipag-utos mismo ng Pangulong Duterte.
Sinabi pa ni Secretary Guevarra na posibleng talakayin din ang nasabing isyu sa susunod na cabinet meeting.
Naungkat ang panawagang pagsilip sa kontrata sa beep card supplier matapos na tumaas ang presyo nito sa trenta pesos mula sa bente pesos.
Facebook Comments