DOJ, bumuo na ng panel na hahawak sa kaso ng Kapa investment scam

598

May nabuo nang panel of prosecutors ang DOJ na hahawak sa kaso laban sa Kapa Community International.

Partikular ang kasong isinampa ng Security Exchange Commission laban sa Kapa officials kaugnay ng sinasabing investment scam.


Ayon kay Justice Spokesman, Undersecretary Markk Perete, magtatakda na rin ang panel ng petsa ng mga pagdinig.

Pinaplantsa na rin ng panel of prosecutors ang pagpapalabas ng subpoena laban sa mga opisyal ng Kapa.

Una nang nagpalabas ang DOJ ng lookout bulletin order laban sa mga pinuno ng nasabing religious organization.

Facebook Comments

From Advertisers