DOJ, bumuo na ng panel na hahawak sa kaso ng mga pulis na nakapatay sa mga sundalo sa Jolo, Sulu

Kinumpirma ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na bumuo na siya ng panel of prosecutors na hahawak sa kaso ng mga pulis na nakapatay sa mga sundalo sa Jolo, Sulu.

Partikular ang kasong four counts ng murder at planting of evidence na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng pamilya ng mga nasawing sundalo.

Ayon kay PG Malcontento, ang panel ay pamumunuan ni Senior Assistant State Prosecutor Gilmarie Fe Pacamarra, habang ang mga miyembro ay sina Assistant State Prosecutors Consuelo Corazon Pazziuagan, Alejandro Daguiso at Public Attorney Gino Angelo Yanga.


Bukod pa ito sa kasong administratibo o neglect of duty sa ilalim ng doktrina ng Command of Responsibility na isinampa naman laban kina Police Col. Michael Bawayan Jr., Police Major Walter Anayo at Police Capt. Ariel Corcino.

Magugunitang noong June 29, 2020, nasa operation laban sa suicide bombers ang militar nang maganap ang pamamaril.

Facebook Comments