DOJ, bumuo na ng panel of prosecutors na hahawak sa kaso ng pagpatay kina Percy Lapid at Jun Villamor

Bumuo na ang Department of Justice (DOJ) ng panel of prosecutors na didinig sa mga reklamong murder kaugnay sa pagpatay kina Percy Lapid at Jun Villamor.

Kinumpirma ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na pinagsama na ang lahat ng murder complaints.

Unang sinampahan ng reklamong murder ang umaming gunman na si Joel Escorial at ilan pang kasabwat nito.


Pero ito ay pinagsama na sa pinakabagong murder case na inihain ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) noong Lunes laban sa mga itinuturong utak sa Lapid at Villamor killing.

Ang consolidated complaints ay hahawakan nina Deputy State Prosecutor Olivia Torrevillas at Senior Assistant State Prosecutors Josie Christina Dugay at Charlie Guhit.

Facebook Comments