DOJ, bumuo na ng team na magre-review ng foreign loan contracts na pinasok ng Pilipinas

Manila, Philippines – Bumuo na ang Department of Justice (DOJ) ng team na magre-review sa mga Chinese loan alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kabilang sa mga prayoridad na bubusisiin ay ang concession agreement sa public utilities gayundin ang foreign loan contract.

Bubusisiin rin aniya ang mga kinokonsiderang nakakabigat, one sided, mga hindi nakakabuti sa gobyerno at mga labag sa public order o public policy.


Sabi ni Guevarra, dahil pa mga kontarta ito ang inisyal na hakbang ay magkaroon ng review at renegotiation.

Sa kanilang hindi dumaan sa katuparan, maaari aniyang magsulong ang gobyerno ng legal na aksyon.

Facebook Comments